Lalawigan ng Batanes, COVID-19 Free na

13
Cauayan City, Isabela- COVID-19 free na muli ang lalawigan ng Batanes batay sa datos na inilabas na abiso ng Provincial Government.

Ito ay makaraang makarekober mula sa COVID-19 ang isang pasyente na inoobserbahan ng health authorities.

Gayunpaman, istrikto pa ring ipinapatupad sa lalawigan ang mga umiiral na minimum health protocols tulad ng pagsusuot ng facemask; pag-obserba sa social at physical distancing at proper hygiene.

Samantala, ayon sa pinakahuling datos ng Department of Health Regional Office No. 2 nitong January 2, umakyat sa 120 ang bilang ng aktibong kaso ng COVID-19 sa buong Rehiyon.

Matatandaan na bago mag-Bagong Taon, 86 lamang ang bilang ng aktibong kaso sa buong Rehiyon Dos.

Facebook Comments