ANDA PANGASINAN, MAAARING MAPABILANG SA AREAS OF CONCERN SA PAPALAPIT NA ELEKSYON

42

ANDA, PANGASINAN – Inihayag ni Pangasinan Police Provincial Director Richmond Tadina na mayroong posibilidad na mapabilang ang bayan ng Anda sa Areas of Concern sa papalapit na eleksyon matapos ang pamamaril sa dating Mayor nito na si Aldrin Cerdan.

Sinabi ni Tadina na nag-augment na ito o nagdagdag ng pulis mula sa Provincial Mobile Force Battalion upang mapanatili ang peace and order sa bayan.

Ang mga pulis na idinagdag ay inilagay sa main entrance and exit ng bayan na nagbabantay 24/7 sa inilatag na checkpoint.

Inamin din ng opisyal na mainit ngayon ang bayan matapos ang pamamaslang sa dating Alkalde.

Matatandaan na pinagbabaril ang dating alkalde sa kaniyang private farm noong January 1 ng kaniyang dating driver/security na si William Cagampan.

Sa ngayon nasampahan na ng kasong murder si Cagampan. | ifmnews



Facebook Comments