Tuloy-tuloy ang pagsasagawa ng dredging operations ng Department of Public Works and Highways o DPWH Regional Office I sa Samat-Magtaquing Creek sa Barangay Samat, Bugallon, Pangasinan, bilang bahagi ng Oplan Kontra Baha.
Alinsunod ito sa layong maibsan ang problema sa pagbaha sa mga komunidad.
Inaasahang ang mga tulad na operasyon na ito na matugunan ang mga suliraning maaaring magdulot ng pagbabara sa mga daluyan ng tubig at makatulong upang maiwasan ang pag-apaw nito, lalo na sa panahon ng malalakas na pag-ulan.
Sa pamamagitan ng mga hakbang na ito, patuloy na sinisikap ng ahensya ang pagpapalakas sa proteksiyon ng mga komunidad laban sa pagbaha, gayundin ang pangangalaga sa buhay at ari-arian ng publiko.
Samantala, iba pa sa kailugan sa Pangasinan ang sumailalim din sa dredging operation tulad ng Sinucalan River sa Barangay Banaoang, Calasiao. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣








