Thursday, October 29, 2026

Benepisyo ng PhilHealth, dapat palawakin sa panahon ng El Niño

Iginiit ni House Senior Deputy Minority Leader at Mamamayang Liberal (ML) Party-list Representative Leila de Lima ang pagpapalawak sa mga benepisyo ng PhilHealth sa panahon ng Super El Niño.

Ayon kay De Lima, kabilang sa pangunahing dapat paghandaan sa Super El Niño ang mga sakit na dulot ng matinding tag-init.

Diin ni De Lima, ito ang dapat isa sa mga pangunahing nasa 2027 budget at hindi ang pondo para sa “pork” at pamumulitika.

Mensahe ito ni De Lima, sa harap ng report ng PAG-ASA na dama na ang epekto ng super el niño sa ilang mga lalawigan at inaasahang titindi pa ito sa susunod na taon.

Facebook Comments