Thursday, August 6, 2026

Lamang ni VP Sara Duterte kay Mayor Leni Robredo sa pre-election survey ng OCTA Research, lumiit

Inilabas ng OCTA Research ang 2028 Presidential Political Map batay sa resulta ng bagong Tugon ng Masa nationwide survey.

Batay sa survey ng OCTA, lumiit ang agwat sa pagitan nina Vice President Sara Duterte at dating VP na si Naga City Mayor Leni Robredo.

May 43% na nakuha si VP Sara habang 34% naman si Mayor Leni kung saan bumaba sa 9% points ang gap sa pagitan nilang dalawa.

Ayon sa OCTA, dominado pa rin ni Duterte ang Mindanao at sa Visayas habang nakay Robredo ang Balance Luzon pero tabla sila pagdating sa Metro Manila.

Sinabi ng OCTA na maaari pa rin itong mabago lalo na bago sumapit ang 2028.

Pero hamon daw sa kanila ang paglawak ng suporta mula sa hindi nila balwarte at sa mga nananatiling undecided na nasa 22% ngayon.

Isinagawa ang survey noong July 4-11 sa pamamagitan ng face-to-face interviews sa 1,200 Pilipinong edad 18 pataas.

Facebook Comments