
Tiniyak ng Malacañang na handa itong dinggin ang mga hinaing ng transport sector kaugnay ng pinalawak na fuel subsidy.
Ito ang tugon ng Palasyo matapos igiit ng grupong MANIBELA na kulang ang dagdag na fuel discount at limitado pa rin ang mga gasolinahang kalahok sa programa.
Ayon kay Palace Press Officer Claire Castro, ipaaabot sa kinauukulang ahensya ang mga lugar na kailangan pang madagdagan ng participating gasoline stations upang mas maraming tsuper ang makinabang.
Iginiit din ng Palasyo na makatutulong ang pagtaas ng fuel discount mula ₱10 hanggang ₱12 kada litro.
Magsisimula ang pagpapatupad ng dagdag na subsidy sa Agosto 15 at magpapatuloy ito hangga’t kinakailangan ng transport sector.
Facebook Comments










