Thursday, August 6, 2026

Malacañang, umapela sa publiko na isumbong ang anumang anomalya sa pamamahagi ng ayuda

Hinikayat ng Malacañang ang publiko na tumulong sa pagbabantay sa patuloy na pamamahagi ng Local Government Support Fund (LGSF) assistance na pinangungunahan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr.

Ayon kay Palace Press Officer Undersecretary Claire Castro, agad na ipagbigay-alam sa kanilang lokal na pamahalaan ang anumang iregularidad sa pamamahagi ng ayuda, lalo na sa libreng 10 kilong bigas.

Kabilang dito ang reklamo na kulang sa itinakdang 10 kilo ang bigas na natanggap ng ilang kuwalipikadong benepisyaryo.

Dahil dito, tiniyak ni Castro na hindi palalampasin ng pamahalaan ang anumang pananamantala sa programa.

Aniya, agad nilang sisitahin at aaksyunan ang sinumang mapatutunayang lumalabag sa tamang pamamahagi ng ayuda.

Facebook Comments