Monday, August 3, 2026

Suspek sa nakawan sa Senate compound, arestado habang nagsusugal

Matagumpay na naaresto ng mga awtoridad ang mag-live-in partner sa pagnanakaw ng technical equipment ng isang media outlet sa Senate compound.

Ayon kay Pasay City Police Chief Col. Joselito de Sesto nahuli ang dalawa habang nagsusugal sa bahagi ng Diokno Blvd.

Una nang inaresto ang tatay ng 31-anyos na lalaking suspek sa kasong obstruction of justice matapos na patakasin ang mag-live-in partner kaya hindi sila naabutan ng mga awtoridad sa kanilang kubo.

Naibenta ng mga ito ang mga ninakaw na gamit pero nabawi pa ng pulisya ang 50-inch television, dalawang printer at isang cellphone.

Samantala, bukod sa kanila arestado rin ang dalawang iba pa na kalaro nila sa cara y cruz at kumpiskado rin ang halos P5,000 shabu.

Facebook Comments