OPERASYON TIMBANGAN, SA PAMILIHANG BAYAN NG CORDON

Cauayan City, Isabela- Naglunsad ng Operation Timbangan ang DTI Isabela kamakailan sa pamilihang bayan ng ng Cordon, Isabela.

Isinagawa ang naturang operasyon ng Local Government Unit of Cordon sa pamamagitan ng Municipal Treasurer’s Office at Business Permit and Licensing Office sa pakikipagtulungan ng DTI Isabela Consumer Protection Division.

Gamit ang ilang mga kalibreng timbangan, tatlumpu’t-tatlo (33) ay sinuri para sa matiyak na nasa tama ang timbangan.

Samantala, ang mga nadiskubreng timbangan na may depekto ay ipinadala sa local government para sa hiwalay na pagsusuri.

Binigyang diin ng grupo,mahalaga ang tamang timbang ng mga pinamili ng mga consumer na katumbas ng kanilang tamang pagbabayad nito.

Sinubaybayan naman ng DTI Isabela ang pagsunod sa batas ng mga Business Name at Price Tag, kanila ring ipagpapatuloy ang pagsasagawa ng mga hakbang sa pagtatag ng ligtas at consumer-friendly environment na mapangalagaan ang karapatan at pribilehiyo ng mga kumokonsumo.

Facebook Comments