Pito, nasawi sa nasunog na pampasaherong bangka sa Quezon

229

Inihayag ng Philippine Coast Guard (PCG) na nasa pitong indibidwal ang nasawi sa nasunog na pampasaherong bangka sa Quezon.

Sa impormasyong ibinahagi ni PCG Spokesman Commodore Armand Balilo, nasa 124 ang bilang ng pasahero ng Roro Vessel na Mercraft 2.

Aniya, umalis ito ng alas-5:00 ng umaga sa Polilio Island papunta ng Real, Quezon pero nasunog ang bangka habang papalapit ng Port of Real.


Ayon pa kay Balilo, nasa anim na pasahero na ang dinala sa malapit na hospital kung saan nasa 105 pasahero ang nailigtas.

Nagtutulong-tulong naman ang mga tauhan ng PCG Real at ng lokal na pamahalaan sa isinasagawang rescue operations.

Facebook Comments