Patuloy ang pamamahagi ng tig-10 kilo ng bigas ng Lokal na Pamahalaan ng San Carlos City sa mga pamilya sa lungsod bilang bahagi ng pagtugon sa pangangailangan ng mga residenteng naapektuhan ang kabuhayan.
Ayon sa lokal na pamahalaan, target na mabigyan ng tig-10 kilo ng bigas ang mga pamilya sa 86 na barangay ng San Carlos City.
Layunin ng programa na makatulong sa mga pangunahing pangangailangan ng mga pamilyang pansamantalang naapektuhan ang kanilang kabuhayan, partikular sa mga komunidad na nakaranas ng pagbaha.
Ang naturang pamamahagi ay ikalawang wave ng pangkalahatang rice assistance program ng lungsod. Sa unang wave, 2 kilo ng bigas bawat pamilya ang ipinamahagi, habang itinaas ito sa 10 kilo bawat pamilya sa kasalukuyang round.
Patuloy naman ang lokal na pamahalaan sa pagsasagawa ng mga hakbang upang matugunan ang pangangailangan ng mga San Carlenean, lalo na ng mga residenteng naapektuhan ng pagbaha at nangangailangan ng agarang suporta. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣











