SMART TVS, IKINAKABIT SA 40 DAYCARE CENTERS SA DAGUPAN

Isinusulong ang mas makabagong learning experience para sa mga batang nasa daycare centers sa Dagupan City sa pamamagitan ng patuloy na pag-install ng Smart TVs sa 40 daycare centers sa lungsod.

Layunin ng programa na mapalawak ang access ng mga batang mag-aaral sa mga makabagong learning materials at gawing mas interactive at engaging ang kanilang pagkatuto.

Kasabay nito, sumailalim din sa mga training ang mga daycare center teachers mula sa 31 barangay upang maging mas handa sa paggamit ng mga bagong teknolohiya bilang bahagi ng kanilang pagtuturo.

Sa pagkakaroon ng Smart TVs sa mga daycare center, inaasahang mas mapapalawak ang paggamit ng digital educational content at iba pang learning resources para sa mga batang mag-aaral. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments