
Nangako ng buong kooperasyon ang Department of Information and Communications Technology (DICT) sa imbestigasyon ng Office of the Ombudsman ukol sa mga alegasyon ng iregularidad sa IT at connectivity projects ng pamahalaan.
Pormal na magpapadala ng liham ang ahensya sa Ombudsman upang ipaabot ang suporta at magbibigay ng mga kinakailangang dokumento at teknikal na impormasyon para sa mabilis na pagsusuri.
Binigyang-diin ng DICT na dapat pakinabangan ng mamamayan ang bawat pampublikong pondo.
Mananatili rin aniya na nakatutok ang DICT sa transparency at integridad ng mga digitalization program ng gobyerno upang maprotektahan ang pondo ng publiko.
Facebook Comments










