Nakikipag-ugnayan na ang Pamahalaang Lokal ng Sta. Maria sa Sta. Maria Police Station kaugnay ng kumakalat na video sa social media na naglalaman ng umano’y banta sa mga estudyante.
Ayon sa opisyal na pahayag ng lokal na pamahalaan, agad nang kumikilos ang kapulisan upang matiyak ang kaligtasan at seguridad ng mga mag-aaral.
Kasabay nito, nanawagan ang LGU sa mga residente, lalo na sa mga magulang at mag-aaral, na manatiling kalmado at iwasang magbahagi o mag-forward ng naturang video upang hindi na ito makapagdulot ng karagdagang takot at pangamba.
Pinayuhan din ang publiko na agad makipag-ugnayan sa Sta. Maria Police Station para sa anumang emergency o kung may mahahalagang impormasyong may kaugnayan sa insidente.
Patuloy namang minomonitor ng mga awtoridad ang sitwasyon habang isinasagawa angkaukulang beripikasyon at mga hakbang upangmapanatili ang kapayapaan at seguridad sa bayan. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣







