RMN KWENTONG ACS CARAVAN, NAGHATID NG SAYA, PAPREMYO AT FEEDING PROGRAM SA BRGY. CARAEL

Naging matagumpay ang isinagawang RMN Kwentong ACS Caravan ng 104.7 iFM Dagupan sa Brgy. Carael, Dagupan City, kung saan naghatid ito ng saya, papremyo, at feeding program para sa mga residente.

Mainit namang tinanggap ng komunidad ang aktibidad at aktibong nakiisa sa iba’t ibang inihandang programa.

Nagsimula ang programa sa warm-up games kung saan 10 kalahok ang nagwagi ng ₱100 cash at ACS Gift Pack. Sinundan ito ng major games na nagbigay ng pagkakataon sa 10 masuwerteng residente na makapag-uwi ng ₱500 cash, grocery package, ACS Gift Pack, at ACS T-shirt, na lalong nagpasaya sa mga dumalo.

Kasabay nito, isinagawa rin ang Ma. Corrina Canoy Feeding Program, kung saan namahagi ng mainit na lugaw, tinapay, at inumin sa mga residente. Naging posible ang aktibidad sa tulong ng Karetela Kusina & Bakery, Quinn’s Water Refilling Station at Drei’s Lugaw House, habang nagbigay naman ng suporta ang ACS Manufacturing Corporation, kasama ang Starwax at Unique Toothpaste, sa pagsasagawa ng caravan.

Layunin ng programa na makapaghatid ng saya, papremyo, at mga programang may malasakit sa iba’t ibang komunidad, habang pinalalakas ang ugnayan ng 104.7 iFM Dagupan sa mga tagapakinig sa pamamagitan ng serbisyong publiko. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments