Wednesday, July 22, 2026

China, makapal talaga ang mukha — Rep. De Lima

Tahasang sinabi ni House Senior Deputy Minority Leader and Mamamayang Liberal Party-list Rep. Leila De Lima na ang kapal talaga ng mukha ng China.

Sinabi ito ni De Lima sa harap ng pagbaluktot ng China sa tunay na kwento kung saan inatake ng mga miyembro ng Chinese Coast Guard ang mga tauhan ng Philippine Navy na nakatalaga sa Ayungin Shoal at hinampas nila sa ulo ang isa nating sundalo.

Ayon kay De Lima, hindi ito ang unang beses na gumawa ng kabulastugan at karahasan ang China na hindi nila inaamin at sa halip ay palagi silang nagpapalusot.

Bunsod nito ay nananawagan si De Lima kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr at sa kanyang administrasyon na tumbasan natin ng mas matapang na aksyon ang pambubully at pang-aalipusta ng China.

Sabi ni De Lima bukod ito sa pagkakaloob ng dagdag na kapasidad at kagamitan para sa pagpapatrolya at pagdepensa sa ating mga teritoryo.

Facebook Comments