PSA NAG-BABALA HINGGIL SA HINDI AWTORISADONG PAGGAWA NG KOPYA NG NATIONAL ID

Nagpaalala ang mga kinauukulang awtoridad sa publiko na mahigpit na ipinagbabawal ang pagpi-print o pagpaparami ng National ID o ng alinman sa mga bahagi nito nang walang kaukulang awtoridad.

‎Batay sa Seksyon 23.3 ng Revised Implementing Rules and Regulations ng Republic Act No. 11055, na kilala bilang Philippine Identification System (PhilSys) Act, ang hindi awtorisadong pagpi-print, pagkopya, o maling paggamit ng National ID ay paglabag sa batas. Ang sinumang lalabag ay maaaring mapatawan ng kaukulang multa o pagkakakulong alinsunod sa umiiral na batas.


‎Binigyang-diin din ng mga awtoridad na tanging ang opisyal na physical National ID card, Digital National ID, at ePhilID (paper form) lamang ang kinikilalang wastong anyo ng pagkakakilanlan sa ilalim ng PhilSys.

‎Kasabay nito, pinayuhan ang publiko na huwag i-print, ipa-laminate, o kopyahin ang kanilang Digital National ID upang mapanatili ang integridad at seguridad ng kanilang personal na pagkakakilanlan.

‎Hinikayat ang lahat na alamin at sundin ang mga probisyon ng batas upang maprotektahan ang kanilang identidad at maiwasan ang anumang paglabag na may kaakibat na parusa.


‎Samantala, batay sa pinakahuling datos ng Philippine Statistics Authority (PSA), may higit 2 milyong rehistradong National ID (PhilSys) registrants sa Pangasinan. Katumbas ito ng humigit-kumulang 87.65% ng tinatayang populasyon ng lalawigan. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments