Nakatanggap ng libreng gulay, itlog at noodles ang mga residente sa isinagawang community pantry ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) Sustainable Livelihood Program (SLP) Pangasinan 2.
Pinangunahan ng mga Project Development Officers, katuwang ang mga asosasyon ng SLP at lokal na pamahalaan ng Umingan, ang naturang aktibidad na layong makatulong sa mga residente, partikular sa mga kabilang sa vulnerable sectors.
Sa isinagawang pantry, hinikayat ang mga mamamayan na kumuha lamang ayon sa kanilang pangangailangan upang mas marami ang makinabang sa inilatag na ayuda.
Kabilang sa ipinamahaging suplay ang mga gulay, itlog at noodles bilang bahagi ng patuloy na suporta sa kabuhayan at microenterprises sa bayan ng Umingan.
Facebook Comments










