Tatlong menor de edad, patay matapos mahulog at malunod sa isang manhole sa Taguig City

88

Nasawi ang tatlong mga bata matapos mahulog at malunod sa isang manhole sa Anchor St., Interchange, Brgy. Western Bicutan, Taguig City kahapon ng tanghali

Sa ulat ng Taguig City Police Station, naglalaro ang mga bata sa bakanteng lote ng Arca South sa Brgy. Western Bicutan, Taguig nang mahulog sa manhole.


Agad rumesponde ang Brgy. Western Bicutan Rescue Team at isinugod sa ospital ang mga bata pero idineklarang dead on arrival.

Ang mga nasawing bata ay may mga edad na anim at walong taong gulang, mga residente ng PNR Site Western Bicutan.

Nagpapatulot ang imbestigasyon ng pulisya sa insidente.

Facebook Comments