
Nakaalis na ng bansa si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. patungong Japan para sa kaniyang apat na araw na state visit.
Eksaktong 1:36 ng hapon nang mag-takeoff ang presidential flight PR001 mula sa Villamor Air Base sa Pasay City.
Sa kaniyang departure statement, sinabi ng pangulo na isusulong niya ang mga kooperasyon sa agrikultura, energy at decarbonization, trade at investments, infrastructure, maritime cooperation, defense at security, space technology, at development projects sa Mindanao.
Kasama rin sa mga pag-uusapan ang sitwasyon sa West Philippine Sea, sigalot sa Middle East, ugnayan sa Estados Unidos, ASEAN cooperation, at kandidatura ng Pilipinas sa United Nations Security Council.
Makikipagpulong din si Marcos kay Japanese Prime Minister Sanae Takaichi kung saan inaasahang lalagdaan at iaanunsyo ang mga bagong kasunduan sa trade, investment, seguridad, at maritime cooperation.
May pulong rin ang pangulo sa mga Japanese business leaders para makahikayat ng dagdag na pamumuhunan at trabaho para sa mga Pilipino.
Nakatakda rin ang pakikipagpulong ng pangulo sa Filipino community sa Japan at ang Imperial Audience nila ng First Lady kay Emperor Naruhito at Empress Masako.










