
Pinagpapaliwanag Land Transportation Office Chief, Assistant Secretary Markus V. Lacanilao ang isang opisyal ng LTO matapos mag-viral ang larawan ng service vehicle ng ahensya na nakaparada sa isang shopping establishment.
Nag-isyu na ng show cause order si Lacanilao sa opisyal upang magpaliwanag kung
ang paggamit ng sasakyan ay may kaugnayan sa opisyal na tungkulin o para sa personal na interes.
Tiniyak ng LTO chief na hindi kukunsintihin ang anumang maling paggamit ng sasakyan ng gobyerno.
Sinabi ni Lacanilao na ang hakbang ay upang labanan ang posibleng pang-aabuso sa resources ng gobyerno ng mga kawani nito.
Tiniyak naman ng LTO na magsasagawa ng patas na imbestigasyon at magpapataw ng administrative sanctions kapag napatunayang may paglabag.










