Tuesday, May 26, 2026

Kasong plunder laban kay Sen. Estrada,ihahain na sa Sandiganayan sa Huwebes; Sen. Villanueva, isusunod na kakasuhan ayon sa Ombudsman

Inanunsyo ni Ombudsman Jesus Crispin Remulla na sasampahan na nila ng kaso sa Sandiganbayan si Senador Jinggoy Estrada.

Sa pulong balitaan, sinabi ni Remulla na nakatakda na niyang pirmahan ang criminal information para sa kasong plunder at iba pang kaso na may kaugnayan sa umabot pagtanggap ni Estrada ng kickback sa implementasyon ng flood control projects ng pamahalaan.

Giit ni Remulla, inaayos na nila ang mga ebidensya upang mas malinaw ang isasampa nilang kaso sa Sandiganbayan.

Puntirya ng Ombudsman na mahkaroon ng tuloy tuloy na hearing sa kaso ni Estrada.

Maliban kay Estrada,hinog na rin umano ang kaso laban kay Senador Joel Villanueva.
Sa loob aniya ng dalawang linggo ay makakapaghain na sila ng kaso laban kay Villanueva sa Sandiganbayan.

Facebook Comments