Tuesday, May 26, 2026

DOJ, tiwala sa trabaho ng Ombudsman kasunod ng pagbatikos ni Sen. Marcoleta na pinatatahimik lamang umano ang mga kritiko ng administrasyon

Buo ang tiwala ng Department of Justice (DOJ) sa ginagawang trabaho ng Office of the Ombudsman sa pagpapanagot sa mga nagkasala sa batas.

Ito ang binigyang-diin ni DOJ Secretary Eric Vida kasunod ng pahayag ni Senator Rodante Marcoleta na pinatatahimik umano ng administrasyon ang kanilang mga kritiko.

Ayon kay Vida, hindi pa niya nababasa ang naturang kasong inihain pero tiwala raw siya sa ginagawang trabaho ni Ombudsman Jesus Crispin Remulla na kaniyang sinundan bilang kalihim ng Justice Department.

Kahapon nang hilingin ng Ombudsman sa Sandiganbayan na maglabas ng precautionary hold departure order o PHDO laban kina Marcoleta at mga umano’y donor nito sa kampanya na sina dating congressman Mike Defensor, Joseph Espiritu at Aristotle Viray.

Tumanggi namang magkomento si Vida sa sinabi kahapon ni Defensor na pinatatahimik ang mga bumabatikos sa administrasyon.

Pero sabi ng kalihim, mandato ng DOJ na panagutin ang mga may sala at nakabatay lamang sila sa pawang katotohanan.

Facebook Comments