Libu-libong pamilya, sinalubong ang Pasko sa Luneta Park

Manila, Philippines – Sa Luneta nagpalipas ng magdamag ang ilang pamilya para salubungin ang pagdiriwang ng araw ng Pasko, December 25.

Bitbit ang mga masasarap na baong pagkain, nagsalo salo doon ang nasa 5,000 pamilya.

Sobrang nag-enjoy din ang mga kabataan sa paglalaro sa Luneta Park kabilang na ang mga laruang may pailaw.


Nagbigay saya din sa pagsalubong ng Kapaskuhan sa Luneta ang musical fountain kung saan patok na patok ang mga tugtuging naririnig na sinasabayan pa ng makukulay na ilaw.

Samantala, nagpunta din sa Luneta Park si NCRPO Chief Director Guillermo Eleazar para inspeksyunin ang mga pulis na nagpapatupad ng seguridad sa lugar.

Facebook Comments