Friday, June 19, 2026

Liderato ng Kamara, hindi nakiki-alam sa House prosecution panel

Walang anumang papel at walang anumang direktibang ibinibigay ang liderato ng Kamara kaugnay sa proseso ng impechment laban kay Vice President Sara Duterte.

Ayon kay House Majority Leader Rep. Sandro Marcos, hindi kailangang umeksena o gumawa ng anumang hakbang ang liderato ng Kamara kaugnay sa impeachment proceedings.

Paliwanag ni Marcos, magagaling at matatalino ang mga kongresista na tumatayong prosecutors sa impeachment case laban kay VP Duterte kaya alam nila ang mga dapat nilang gawin.

Diin pa ni Marcos, mahusay din ang lead prosecutor na si Batangas Rep. Gerville Luistro kaya tiyak na mapapamahalaan at magagabayan nito ang panig ng prosekusyon.

Suportado naman ni Marcos ang isinusulong ng prosecution na gamitin ang wikang Filipino sa impeachment trial upang higit itong maunawaan ng ordinaryong mga Pilipino.

Facebook Comments