
Mahigit 200,000 estudyante ang inaasahang makinabang sa scholarship program ng pamahalaan sa ilalim ng “Bawat Barangay Makikinabang.”
Ayon kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr., bibigyan ang bawat barangay ng ₱200,000 na hahatiin sa dalawang bahagi.
Ibibigay ang ₱100,000 para sa mga proyekto ng barangay at ₱100,000 para sa limang scholars, o tig-₱20,000 bawat isa.
Binigyang-diin ng pangulo na kapag nakapagtapos at naging maayos ang kinabukasan ng isang scholar, malaking tulong ito sa buong pamilya.
Dagdag pa ng pangulo, ang pamumuhunan sa edukasyon ang susi para magkaroon ng mas maayos na buhay, maging handa sa mga hamon, at maging kapaki-pakinabang sa komunidad.
Facebook Comments










