Monday, May 25, 2026

Agarang pagpasa sa panukalang “Kalinga Act,” panawagan ng lider ng Kamara sa mga mambabatas

Umaapela si House Majority Leader at Ilocos Norte Rep. Sandro Marcos sa mga kapwa mambabatas na agarang ipasa ang House Bill No. 8834 o ang panukalang “Kalinga Act.”

Ayon kay Marcos, makakatulong ang panukala sa mga mahihirap, middle class, at maliliit na negosyante sa panahon ng krisis tulad ng pagtaas ng presyo ng langis at iba pang bilihin.

Inihain ang panukala nina Marcos at House Speaker Faustino “Bojie” Dy III upang ma-institutionalize ang national protection system na magtitiyak ng mabilis, targeted, at awtomatikong pagtugon ng pamahalaan sa epekto ng fuel price shocks.

Binigyang-diin ni Marcos na kapag matatag ang pamilya at mga negosyo, nagiging matatag din ang bansa. Aniya, hindi na dapat naghahabol ang gobyerno sa oras ng krisis, kundi nakahanda na ang tulong.

Facebook Comments