Tuesday, May 19, 2026

Rep. De Lima, nanindigan na maaring kasuhan ng Obstruction of Justice si Senator Padilla kaugnay sa pagtakas ni Senator Bato

Nanindigan si House Senior Deputy Minority Leader at Mamamayang Liberal Partylist Rep. Leila de Lima na maaaring kasuhan si Senador Robin Padilla ng Obstruction of Justice.

Sinabi ito ni De Lima kaugnay sa umano’y pagtulong ni Padilla na makatakas si Senator Ronald Bato Dela Rosa na may kinakaharap na warrant of arrest dahil sa kasong crimes against humanity sa International Criminal Court.

Diin ni De Lima na dating kalihim ng Department of Justice (DOJ), malinaw na Obstruction of Justice ang pagtulong at pagkukubli sa isang kriminal na pugante.

Ayon kay De Lima, sa nangyaring pagtakas ni Dela Rosa ay taong bayan, batas, at rule of law, ang talo.

Pinabulaanan din ni De Lima ang sinabi ni Senate President Cayetano na nagkubli din siya sa Senado noong 2017 sa ilalim ng Duterte Administration ng sya ay ipaaresto dahil sa kasong may kinalaman sa ilegal na droga.

Paalala ni De Lima, sya ay mapayapang sumuko at nagpa-aresto noong Feb 24, 2017.

Ayon kay De Lima, bago ito ay ilang oras lang syang umuwi noon para magpa-alam sa kaniyang pamilya at kumuha ng mga gamit habang isang magdamang lang sya namalagi sa Senado para kausapin ang kanyang mga staff.

Facebook Comments