Light Rail Manila Corp., magbibigay ng libreng sakay kaugnay ng selebrasyon ng National Teachers’ Month

28

Manila, Philippines – Magbibigay ng libreng sakay para sa mga guro ang Light Rail Manila Corp. (LRMC) sa Linggo, September 17, 2017.

Kaugnay ito ng selebrasyon ng National Teachers’ Month ngayong buwan.

Sa abiso ng LRMC, mae-enjoy ang libreng sakay sa dalawampung istasyon ng LRT -1 mula Baclaran sa Parañaque City hanggang Roosevelt sa lungsod ng Quezon.

Magsisimula ito alas 4:30 ng madaling araw kung saan ang huling northbound trip mula Baclaran ay dakong alas 9:30 ng gabi at alas 9:45 naman mula Roosevelt para sa huling southbound trip.

Kailangan lang magpakita ng mga guro ng kanilang DepEd I.D., Professional Regulation Commission Teacher’s License o school I.D. para ma-avail ang libreng sakay.

Facebook Comments