Video ng pusang natakot sa daga, viral sa YouTube!

293

Panghimagas – Viral sa YouTube ang video ng isang lalaki at alaga niyang pusa habang hinuhuli ang isang daga sa loob ng kanilang banyo.

Kwento ni Lucas Santiago, ang kumuha ng video dahil sa sobrang takot din sa daga ang kanyang kaibigan, naisipan nilang tawagin ang alaga niyang pusa.

Sa video, makikita na habang hinahampas ng lalaki ng mop ang daga ay bigla itong nagtatakbo sa kanyang direksyon.

Dahil sa sobrang panic, maging ang pusa niya ay napatalon at napakapit na rin sa pintuan ng banyo.

Facebook Comments