Thursday, May 28, 2026

Mga lulong sa ano mang uri ng sugal, hinikayat na dumulog sa 24/7 NPGH ng PAGCOR

Matapos ilunsad ang 24/7 National Problem Gambling Helpline (NPGH), hinimok ng Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) ang mga lulong sa sugal na dumulog sa naturang tanggapan.

Ayon kay Alejandro Tengco, Chairman at CEO ng PAGCOR ang hotline na (02) 8248-9568 ay para sa lahat ng mga indisdibwal na nakakaranas ng problema sa pagsusugal.

Ang hakbang ng PAGCOR ay para mabigyan ng agarang suporta ang mga may problema sa sugal na apektado na rin ang kanilang mga pamilya.

Ayon kay Tengco, hindi lamang regulasyon ang makatutugon sa gambling problem dahil kailangan din ng pang-unawa ng mga indibidwal na nangangailangan ng suporta.

Ang mga may problema sa sugal ay maaring kausapin ang mga trained counselor para sa confidential counseling, psychological support at referral services.

Sa ngayon ay may 12 para-counselors na naka-assign sa tatlong shifts kada araw para sa tuloy-tuloy na operasyon ng helpline.

Facebook Comments