Muling nagsagawa ng inspeksyon ang Sanitary Inspectors ng Rural Health Unit (RHU) Bugallon sa mga food stalls sa Public Plaza matapos ang ibinigay na palugit para ayusin ang kanilang food safety practices.
Noong nakaraang linggo, binigyan ng pagkakataon ang mga food stall operators matapos matukoy ng lokal na pamahalaan,kasama ang Municipal Health Office, at MDRRMO, ang ilang paglabag sa wastong paghahanda ng pagkain.
Sa follow-up inspection, muling sinuri ang pagsusuot ng hairnet at apron, pagkakaroon ng valid health certificates at maayos na sistema ng paghuhugas at pagtatapon ng basura ng mga manlalako.
Kaugnay nito, magpapatuloy umano ang serye ng inspeksyon sa bayan upang tiyakin ang kaligtasan ng publiko at mahigpit na pagpapatupad ng health protocols.










