
Ipinahayag ng Pangasinan Police Provincial Office (PPO) ang kanilang pasasalamat at pagkilala sa lahat ng tauhan at partner agencies sa matagumpay, mapayapa, at ligtas na pagdaraos ng sentenaryo ng koronasyon ng Mahal na Birhen ng Manaoag sa Minor Basilica of Our Lady of the Rosary of Manaoag noong Abril 22, 2026.
Ayon sa ulat, tinatayang nasa dalawang libo (20,000) deboto ang dumalo sa pagdiriwang, habang humigit-kumulang Isang libo (1,000) sasakyan ang naitala sa lugar. Sa kabila ng dami ng tao, walang naitalang insidente ng pandurukot o pagnanakaw sa buong aktibidad.
Dinaluhan ang okasyon ng mga kilalang personalidad kabilang sina Ferdinand R. Marcos Jr. at Maria Louise Araneta-Marcos, gayundin ng Apostolic Nuncio na si Charles John Brown, sina Socrates B. Villegas at Jose F. Cardinal Advincula, kasama ang iba pang opisyal ng pamahalaan, lider ng simbahan, at mga deboto.
Naging maayos ang daloy ng programa at prusisyon sa pamamagitan ng mahigpit na seguridad, maayos na deployment ng mga pulis, at koordinasyon sa mga lokal na pamahalaan, organisasyon, at volunteers. Malaki rin ang naging papel ng kooperasyon ng publiko sa pagpapanatili ng kaayusan.
Binigyang-diin ng PPO na ang tagumpay ng nasabing okasyon ay sumasalamin sa kanilang patuloy na dedikasyon na tiyakin ang kaligtasan ng publiko, lalo na sa mga pagtitipong may malaking kahalagahang pangkultura at panrelihiyon.
Nagpasalamat din ang pulisya sa lahat ng sektor na tumulong upang maging maayos ang pagdiriwang, at pinuri ang disiplina at pakikiisa ng mga dumalo na naging susi sa tagumpay ng makasaysayang selebrasyon. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣










