₱2,000KADA ESTUDYANTE, NAKATANGGAP NG FINANCIAL AID MULA SA EDUCATIONAL ASSISTANCE PROGRAM SA INFANTA

Malaking tulong para sa mga estudyante ang makatanggap ng tulong pinansyal para sa kanilang pag-aaral tulad ng 500 estudyante na unang batch na nakatanggap ng tulong sa ilalim ng Educational Assistance Program.
‎Nakatanggap ng 2,000 pesos ang bawat estudyanteng benepisyaryo ng nasabing assistance bilang karagdagang tulong sa kanilang mga pangangailangang pang-edukasyon.

Sa tulong nito ay maiibsan kahit papaano ang mga isipin at bayarin ng mga estudyante pagdating sa kanilang pangangailangan na may kinalaman sa pag-aaral.

Layon ng inisyatibo na matulungan ang bawat mag-aaral na maipagpatuloy at makapagtapos sa kanilang pag-aaral.

Facebook Comments