Tuesday, November 10, 2026

KAKAYAHAN NG MGA DISASTER RESPONDER SA PANGASINAN, PINALALAKAS SA PAMAMAGITAN NG INCIDENT COMMAND SYSTEM TRAINING

Pinalalakas ng Pamahalaang Panlalawigan ng Pangasinan ang kahandaan at kakayahan ng mga lokal na disaster responder sa pamamagitan ng pagsasagawa ng Basic Incident Command System o ICS Training noong Nobyembre 4 hanggang 6, 2026, sa PASER Training Hall sa Lingayen, Pangasinan.

Pinangunahan ang tatlong araw na pagsasanay ng Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office o PDRRMO, katuwang ang Office of Civil Defense Region 1.

Layunin ng programa na palawakin ang kaalaman at kasanayan ng mga kalahok sa maayos na pamamahala, koordinasyon, komunikasyon, at pagtugon sa panahon ng mga emergency at kalamidad.

Sa pamamagitan nito, inaasahang higit na mapahuhusay ang kakayahan ng mga lokal na responder at disaster management personnel sa epektibong pagharap sa iba’t ibang uri ng sakuna at emergency situations.

Bahagi ang naturang pagsasanay ng patuloy na pagsusulong ng Pamahalaang Panlalawigan na palakasin ang kahandaan at kapasidad ng Pangasinan sa disaster risk reduction and management upang matiyak ang mas organisado at epektibong pagtugon sa oras ng pangangailangan. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments