Friday, April 24, 2026

Insidente ng gas-and-run, itinuturing na isolated case ng PNP

Itinuturing ng Philippine National Police (PNP) na isang isolated case ang mga insidente ng gas-and-run sa bansa.

Ayon kay PNP Chief General Jose Melencio Nartatez Jr., kahit na ang mga ito ay isang isolated cases ay patuloy ang kanilang ginagawang pagsusuri sa mga pattern para matiyak na hindi ito maging isang pangunahing modus operandi.

Aniya,hindi papayagan ng pulisya na maging norm ito o maulit pa sa ibang lugar.

Nabatid na ang pinakahuling insidente ay nangyari sa Quezon City kung saan matapos kargahan ng ₱1,500 na halaga ng gas ang isang sasakyan ay tumakbo ito at hindi nagbayad.

Kung saan ito ay nagresulta sa pagkaaresto sa dalawang indibidwal kaugnay ng nasabing insidente.

Kaugnay nito, ayon kay Nartatez pinaiigting pa ng mga kapulisan ang presensya nito at pagpapatrolya lalo na sa mga 24 oras na mga establisyamento.

Dagdag pa niya, naka-standby rin ang mga response team at inaayos na rin ang mga CCTV network para sa mas mabilis na tracking sakaling magkaroon ng mga ganitong klase muli ng insidente.

Facebook Comments