
Agad na nagpadala ng tulong ang lokal na pamahalaan ng Maynila sa mga pamilyang naapektuhan ng sunog sa Sampaloc.
Kinumpirma ng Manila Department of Social Welfare (MDSW) na umabot sa 13 pamilya o 48 indibidwal ang naapektuhan ng sunog na sumiklab sa Brgy. 402.
Kabilang sa ipinagkaloob na tulong ang mga food boxes at hygiene kits upang matugunan ang agarang pangangailangan ng mga apektadong pamilya.
Namahagi rin ng financial assistance ang Manila LGU upang makatulong sa iba pang gastusin ng mga biktima.
Ayon kay Isko Moreno, inatasan niya ang MDSW na tiyakin ang tuloy-tuloy na suplay ng inuming tubig para sa mga apektado, lalo na sa gitna ng matinding init ng panahon.
Tumulong din ang Manila Health Department upang masigurong ligtas sa sakit ang mga residente.










