Wednesday, April 22, 2026

Malacañang, ikinatuwa ang pagtaas ng ratings ni PBBM

Welcome sa Malacañang ang pag-angat ng trust at performance ratings ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., kasabay ng pahayag na hindi survey numbers ang basehan ng kanyang trabaho.

Ayon kay Palace Press Officer Claire Castro, positibo man o negatibo ang resulta ng surveys, tuloy-tuloy pa rin ang pagtatrabaho ng Pangulo para sa taumbayan.

Gayunman, sinabi ng palasyo na mahalaga ang pagtaas ng ratings dahil patunay ito na nararamdaman at nakikita ng publiko ang mga hakbang ng administrasyon.

Batay sa OCTA Research survey, umakyat sa 54% ang trust rating ni Pangulong Marcos habang 55% naman ang nagpahayag ng kumpiyansa sa kanyang performance.

Mas mataas ito kumpara sa huling quarter ng 2025 kung saan nasa 48% ang trust rating at 51% ang performance rating ng pangulo.

Facebook Comments