Tuesday, July 21, 2026

Insidente ng pananakit ng Chinese Coast Guard sa tauhan ng Philippine Navy sa Ayungin Shoal, kinondena ng Estados Unidos

Kinondena ng Estados Unidos ang insidente ng pananakit ng mga tauhan ng Chinese Coast Guard sa miyembro ng Philippine Navy sa Ayungin Shoal kahapon.

Sa isang pahayag na inilabas ni US Ambassador to the Philippines Lee Lipton, iginiit nila na isang banta sa regional stability ang mga aksyon ng China at taliwas sa professionalism at disiplina ng mga Pilipinong sundalo.

Nagpahayag din ang Amerika ng pakikiisa sa Pilipinas bilang pinakamatagal na bansang kaalyado sa Southeast Asia.

Nanawagan din ang US sa Chinese Navy, Coast Guard at maritime militia na itigil na ang mga iligal, agresibo at mapanlinlang na mga kilos sa South China Sea.

Ayon sa Armed Forces of the Philippines, isang CCG rigid hull inflatable boat na may 8 tauhang sakay ang nagtangkang lumapit sa BRP Sierra Madre dahilan upang komprontahin sila ng mga tauhan ng Philippine Navy pero hinampas ang isa sa ulo.

Facebook Comments