Friday, July 24, 2026

DepEd, kukuha ng 10,000 school counselor associates para sa mental health ng mga estudyante sa public schools

Nagsasagawa ngayon ng recruitment ang Education Department para sa 10,000 posisyon ng School Counselor Associate I (SCA I).

Ito ay para magsilbing karagdagang suporta sa pagpapatupad ng school-based mental health, psychosocial support, at guidance services sa mga pampublikong paaralan sa buong bansa.

Ito ay bahagi ng pagpapatupad ng Republic Act (RA) No.12080 o ang Basic Education Mental Health and Well-Being Promotion Act.

Inatasan na rin ang Schools Division Office (SDO) na nakatanggap na ng kanilang Notice of Organization, Staffing, and Classification Action (NOSCA) na simulan agad ang pagpuno sa mga naturang entry-level position.

Ito ay para mapabilis ang proseso at maiwasan ang pagkaantala sa pagkuha ng mga kawani.

Facebook Comments