Tuesday, July 21, 2026

Preliminary investigation ng Ombudsman kina dating Speaker Romualdez at Co, aarangkada na

Magsisimula na ang preliminary investigation ng Office of the Ombudsman laban kina dating House Speaker Martin Romualdez, dating Ako Bicol Party-list Rep. Zaldy Co, at iba pang personalidad.

Ayon kay Assistant Ombudsman Mico Clavano, ito ay para sa Plunder at paglabag sa Anti-Money Laundering Act.

Layon aniya nitong masiguro na matibay ang mga nakalap na ebidensiya para umusad sa formal inquiry kung iaakyat sa korte ang kaso.

Sa pamamagitan nito ay bibigyan din sila ng pagkakataon na ipaliwanag ang kanilang panig at sagutin ang mga alegasyon.

Sabi ni Clavano, lumabas sa kanilang imbestigasyon na si Romualdez ang central figure sa sistemang binuo sa paglilipat ng pondo para sa flood control projects habang kapwa respondent naman niya si Co na dating chairman ng House Committee and Appropriations.

Ginamit din daw dito ang mga sinumpaang salaysay ng ilang dating tauhan ni Co na personal umanong nakita ang paghahatid niya ng pera kay Romualdez.

Facebook Comments