MAGKAKASUNOD NA PAG-ARESTO SA MGA WANTED PERSON SA PANGASINAN

Limang wanted person ang sunod-sunod na naaresto ng iba’t ibang himpilan ng pulisya sa lalawigan noong May 21, 2026.

Sa Burgos, dalawang lalaki ang nadakip ng Burgos MPS kaugnay ng mga kasong Homicide at Cattle Rustling na parehong may pinal na hatol at walang inirekomendang piyansa.

Sa Binmaley, inaresto ng Sual MPS ang isang 49 anyos na negosyante dahil sa kasong Estafa na may ₱18,000 piyansa. Sa San Fabian naman, nadakip ang isang 29 anyos na lalaki para sa kasong Syndicated Estafa na may kaparehong halaga ng piyansa.

Samantala, isang 36 anyos na laborer ang inaresto ng Calasiao MPS dahil sa paglabag sa RA 7610, na may inirekomendang ₱80,000 piyansa.

Lahat ng mga akusado ay kasalukuyang nasa kustodiya ng kani-kanilang himpilan ng pulisya. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments