Arestado ang isang 42 anyos na security guard matapos dakpin ng mga tauhan ng Pangasinan 2nd Provincial Mobile Force Company (PMFC) at Urdaneta City Police Station sa Urdaneta City noong gabi ng May 21, 2026.
Bandang alas-9:30 ng gabi, inaresto ang suspek sa bisa ng warrant of arrest para sa paglabag sa Section 10(A), Article VI ng RA 9262 na may inirekomendang piyansang ₱72,000.
Makalipas ang 20 minuto, isinilbi rin laban sa kanya ang isa pang warrant of arrest para naman sa paglabag sa Section 10(A), Article VI ng RA 7610 na may piyansang ₱80,000. Kasalukuyan siyang nasa kustodiya ng Urdaneta City Police Station.
Samantala, isang 36 anyos na magsasaka na kilala sa alyas na “Panying” ang naaresto sa isinagawang buy-bust operation ng Mabini MPS katuwang ang PDEA RO1 sa Mabini, Pangasinan.
Nakumpiska mula sa suspek ang tinatayang 0.33 gramo ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng ₱2,244, buy-bust money, isang pink na lalagyan ng cream, at isang Android cellphone.
Isinagawa ang inventory at pagmamarka ng ebidensya sa presensya ng mga kinakailangang testigo at ng suspek alinsunod sa batas. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣











