
Kinumpirma ng Department of Education (DepEd) na 32,916 na bagong teaching positions ang inaprubahan ng Department of Budget and Management (DBM) para sa School Year 2026–2027.
Layon nito na matugunan ang mga pangangailangan sa silid-aralan at mapagaan ang workload ng mga guro sa mga pampublikong paaralan sa buong bansa.
Ang mga kukunin na bagong gurong ay itatalaga sa Kindergarten, Elementarya, Junior High School (JHS), Senior High School (SHS), at Alternative Learning System (ALS).
Ayon sa DepEd, 500 posisyon para sa Teacher IV ang ilalagay sa Special Needs Education (SNED) upang matiyak na matutukan ang pag-aaral ng mga mag-aaral sa mga espesyal na programa.
Ang Zamboanga Peninsula (Region IX) naman ang makatatanggap ng pinakamataas na alokasyon na may kabuuang 3,361 items.
Kabilang dito ang 1,467 posisyon para sa Teacher I na nakalaan para sa Division of Sulu na higit na nangangailangan ng mga guro.










