Friday, June 19, 2026

Community Walkout, ikakasa ng mga Atenista ngayong Biyernes para kina ADMU varsity player Rene Baterbonia at Divine Adili

Magsasagawa ng community walkout ang mga estudyante ng Ateneo de Manila University (ADMU) mamayang ala-1pm, June 19 na pangungunahan ng Sanggunian ng mga mag-Aaral ng mga Paaralang Loyola, isang student government ng nasabing unibersidad, at Ateneo Seniors’ Alliance.

Ito ang kanilang paraan ng pagpapahayag ng pagluluksa at panawagan na panagutin ang mga indibidwal na dapat managot sa pagkamatay nina varsity players Rene Baterbonia at Divine Adili.

Giit ng Seniors’ Alliance, panahon ng pagdiriwang ang graduation season pero hindi umano ito dapat maging dahilan para kalimutan ang nasabing trahedya.

Binigyang-diin nila na hindi maaaring magkunwari na normal ang lahat habang patuloy ang panawagan para sa transparency, hustisya at pananagutan kaugnay ng pagkamatay nina Rene at Divine.

Facebook Comments