MAGSASAKANG BAYAMBANGUEÑO, BINIGYAN NG FARMINPUTS AT PAGKAKATAONG MAIBENTA ANG ANI

Pinalalakas ng iba’t ibang inisyatiba sa Bayambang ang produksyon at kabuhayan ng mga lokal na magsasaka sa pamamagitan ng pagbibigay ng mga kagamitan sa pagsasaka at pagbubukas ng pagkakataon upang direktang maibenta sa publiko ang kanilang mga ani. ‎
‎Bilang bahagi nito, tumanggap ng farm inputs at kagamitan ang Managos Farmers Agricultural Cooperative matapos maging participant sa Gulayan sa Bayan 2026. ‎
‎Ipinagkaloob ang mga kagamitan sa ilalim ng Department of Agriculture–Regional Field Office I High Value Crops Development Program–National Urban and Peri-Urban Agriculture Project (HVCDP-NUPAP). ‎
Naging katuwang ng kooperatiba ang Municipal Agriculture Office ng Bayambang sa pagbibigay ng assistance at koordinasyon upang maging ganap silang participant sa programa. ‎
‎Inaasahang makatutulong ang mga farm inputs at kagamitan sa pagpapataas ng produksyon at ani ng kooperatiba, kasabay ng pagbibigay ng karagdagang oportunidad upang mapalakas ang kanilang kabuhayan. ‎
‎Samantala, mabibigyan din ng pagkakataon ang mga magsasakang Bayambangueño na direktang maipakilala at maibenta sa publiko ang kanilang sariwa at de-kalidad na gulay at prutas sa September 1 at 2, 2026 sa gilid ng Legislative Building. ‎
‎Sa pamamagitan ng pagtangkilik sa mga lokal na ani, direktang nakatutulong ang mga mamimili sa pagpapalakas ng kita ng mga magsasaka habang nagkakaroon naman ng access ang mga residente sa sariwa at masustansyang produktong direktang mula sa mga sakahan ng Bayambang. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣
Facebook Comments