LALAKI, NALUNOD SA DAGAT SA BAUANG, LA UNION

Nauwi sa pagkalunod ang sinapit ng isang 30 anyos na lalaki matapos maligo sa dagat sa Bauang, La Union.
‎

‎Mula pa sa Mangatarem ay dumalo lamang umano ang biktima kasama ang mga kaanak sa isang birthday celebration sa nasabing probinsya.
‎

‎Naligo umano ang biktima sa dagat ngunit hindi na nakaahon.
‎

‎Ayon sa imbestigasyon ng pulisya, pinaniniwalaang nakainom ang biktima nang mangyari ang insidente.
‎

‎Agad naman na nagsagawa ng search and retrieval operation ang mga awtoridad matapos ang insidente.
‎

‎Sa ngayon ay naiuwi naman na sa bayan ng Mangatarem ang mga labi ng biktima. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments