DALAWANG INDIBIDWAL, ISANG MENOR, TIMBOG SA PAGBUWAG NG ISANG DRUG DEN SA LA UNION

‎Timbog ang dalawang indibidwal at isang menor de edad sa isinagawang operasyon na nagbunsod sa pagkakabuwag ng isang umano’y drug den sa Barangay San Joaquin Norte, Agoo, La Union noong August 25, 2026.

‎Ayon sa Philippine Drug Enforcement Agency-La Union Provincial Office, naging mahalaga sa operasyon ang impormasyong ibinigay ng mga mapagmatyag na miyembro ng komunidad.

‎Bago ang operasyon, nagsagawa umano ng masusing surveillance at test-buy ang mga operatiba ng PDEA upang kumpirmahin ang presensya ng lugar na umano’y nagsisilbing drug den para sa ilang personalidad na sangkot sa ilegal na droga sa bayan.


‎Kinilala ang mga suspek na isang 21 anyos na umano’y drug den maintainer, isang 32 anyos na indibidwal at isang 17 anyos na umano’y empleyado ng drug den.

‎Bukod sa hinihinalang shabu, nakumpiska rin ng mga operatiba ang iba’t ibang drug paraphernalia.

‎Ayon kay PDEA Regional Director Julius M. Paderes, ipinakita ng matagumpay na operasyon ang kahalagahan ng aktibong pakikilahok ng publiko sa kampanya laban sa ilegal na droga.

‎Samantala, nahaharap ang dalawang suspek sa mga kasong paglabag sa Sections 5, 6, 7, 13 at 14 ng Article II ng Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 habang nasa ilalim ng pangangalaga ng Local Social Welfare and Development Office ang menor de edad na sangkot para sa kaukulang interbensyon. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments