Aniya, kapag tumaas ang babayarin o singil sa kuryente ay dagdag umano ito sa intindihin sabay sa iba pang pangunahing gastusin sa bahay.
Sa abiso ng Dagupan Electric Corporation (DECORP), tumaas ang kanilang average selling rate ngayong Agosto sa ₱12.59 kada kilowatt-hour (kWh) kumpara sa ₱12.31/kWh noong nakaraang buwan.
Ayon sa DECORP, bunsod ang pagtaas ng singil sa mas mataas na Foreign Exchange Rate at Transmission Rate.
Para sa isang karaniwang tahanan na kumokonsumo ng humigit-kumulang 200 kWh kada buwan, katumbas ito ng pagtaas na nasa ₱0.28 kada kWh.
Samantala, nanatiling hindi nagbabago mula noong 2015 ang Distribution, Supply and Metering charges ng DECORP.
Hinimok naman ng kooperatiba ang mga consumer na patuloy na magsagawa ng mga hakbang sa pagtitipid ng kuryente upang makatulong sa pagkontrol ng konsumo at buwanang gastusin sa kuryente. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣








