Pinag-usapan ng Asingan Municipal Police Station (MPS), mga guro at Parents-Teachers Association (PTA) ng Ariston Bantog National High School ang panukalang School Safety Drill para sa posibleng Active Attack Incident sa loob ng school community.
Ayon sa pulisya, isinagawa ang dialogue at coordination meeting bilang bahagi ng Project P.R.O.T.E.C.T. ASINGAN.
Tinalakay dito ang paghahanda ng paaralan at mga katuwang na responders para sa ganitong uri ng emergency na nakatuon sa koordinasyon at paghahanda ng mga guro, magulang, learners at responders.
Kasama sa mga lumahok ang Asingan MPS, teaching staff at PTA members ng Ariston Bantog National High School.
Ang planong safety drill ay bahagi ng mga hakbang ng Project P.R.O.T.E.C.T. ASINGAN na inihahanda ang school community sa emergency situations, partikular sa mga insidenteng nangangailangan ng mabilis na pagtugon. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣








